Q – Ten years na pong very active ang family namin sa church,
at leader pa po ang husband ko in the last five years.
Yung isa naming anak, nag-abroad then umibig at ngayon ay hindi maawat sa desisyong pakasal sa isang hindi namin katulad ang religion. Para pong kahit magkawatak-watak ang family namin ay gagawin pa rin nya. Paano naman po ang religious conviction naming mag-asawa na mga magulang nya? Isusumpa na lang kaya namin ang anak namin?
A – In this case, just ba parents/family to your anak? Apply your religious convictions to yourselves pero tanggapin nyo sya, ang religious conviction nya at ang desisyon nya sa pag-aasawa? Magkakawatak-watak lang naman kayo kung both sides ay magmamatigas. Pero kung isa ang magpaparaya, hindi magkakahiwa-hiwalay. Magulang nya kayo from Day One na nagkaron sya ng buhay. Kahapon lang naman kayo nagkaron ng “religious conviction” and office —nauna na kayong maging magulang/family. So, kung talagang hindi nyo sya mapasusunod sa inyong religious conviction, pairalin nyo na lang ang pagiging magulang. Patuloy na mahalin ang anak as anak, kahit hindi church member. Kesa naman mag-divide painfully ang family nyo.
Q – Pano po kung tanggalin ng church sa ministry ang husband ko?
A – Kung tatangglin nila kayo dahil pinili nyong maging magulang sa anak nyo, eh di “Hanggang dito na lamang, at maraming salamat”? Hindi naman kayo ang umaaalis kundi tatanggalin kayo. So, the ball is in their court.
Makakapaglingkod pa kayo sa Dios sa napakaraming paraan in other capacities. But how can you serve God and love your neighbor and “humanity” kung ang sarili nyong anak ay itatakwil nyo because of your religious conviction —or office?
– Ed Lapiz
0 Comments