Ano po ang magandang bilang ng companions when traveling, especially abroad?

Q – Ano po ang magandang bilang ng companions when traveling, especially abroad?

A – 3-4
Pag mag-isa, walang tutulong sa yo pag may problema.
Pag dalawa lang, walang tutulong sa yo pag yung kasama mo ang maging problema.
Pag tatlo, at least may dalawang magkakatulungan.
Pag apat, kasya pa kayo kahit umangkas sa maliit na coche ng sinuman.
Pag lampas sa apat, unless sobra kayong magkasundo, maraming ng chances na magka-conflict / magka inisan.

– Ed Lapiz

Ano po ang magandang benefits sa travel?

Q – Ano po ang magandang benefit sa travel?

A – Travel should change you: your mind and heart.
Travel should make you more understanding and appreciative of humanity, of culture, of civilization. And of nature and the environment.
Of course this could happen only if you LOOK and SEE enough, more deeply,
and not be obsessed with just BEING SEEN.
If after travel, you go home UNchanged to be more intelligent,
more appreciative of peoples and cultures, more caring and compassionate —-if all you have to show are selfies and trinkets you shopped —sayang ang miles!

– Ed Lapiz

Ano po ang magandang attitude towards mga matatalino?

Q – Ano po ang magandang attitude towards mga matatalino
at super edukadong mga tao sa paligid?

A –
Pulutin, sipsipin, straw-hin, pagpiyestahan ang karunungan nila!?
Wag lang mang-plagiarize!?
At wag nang makipag-compete;
mag-cooperate and benefit na lang!?

– Ed Lapiz

Ano po ang qualities ng magandang comment sa posts ng iba?

Q – Tito ano po ang qualities ng magandang comment sa posts ng iba?
A – Sa personal tingin ng Tito:
A comment that
1. Furthers / Advances / Promotes the post. Yung helpful. Yung may saysay.
2. Does not contradict the post. (Kung gusto mong mag ventilate ng iba / opposing idea, sa wall mo na lang ilagay, wag sa wall nya.)
3. Does not distress / deviate from the post. Wag yung nagpapagulo sa idea, nagpapasok ng ibang idea na aagaw ng pansin dun sa original post.
4. Does not minimize / decrease the post and increase your stature;
huwag mag-magaling at sapawan yung post ng mas
“maganda” mong ideas.
The spirit of a “good” comment:
Hindi mo kinokontra, sinasapawan o iniinis yung nag-post.
That which makes or keeps friends for you.

– Ed Lapiz

Ano ang koneksyon ng deforestation sa mga baha at landslides?

ANO ANG KONEKSYON NG
– deforestation,
– land “development” with matching
pagkalbo ng mga bundok,
pagpatag ng mga lupa,
pagtabon/tambak sa mga ilog at sapa,
– mining and quarrying, especially the
irresponsible kind,
– illegal occupation of forest and other
public lands,
– illegal and substandard construction
of houses and other structures on
unstable and unsafe grounds,
– etc., etc.
SA MGA BAHA AT LAND SLIDES?

– Ed Lapiz

Ano po ang ibig sabihin pag ang KALOOB ay “official representative of the Philippines” sa mga performances abroad?

Q – Ano po ang ibig sabihin pag ang KALOOB ay “official representative of the Philippines” sa mga performances abroad?
A –
1. The host organization / country invites through our embassy in their country.
2. Our embassy transmits the invitation to our Department of Foreign Affairs (DFA) in Manila.
3. The DFA transmits the invitation to the National Commission for Culture and Arts (NCCA).
4. The NCCA officially designates KALOOB for the mission.
The Philippine government takes care of all travel-related expenses like airfare, travel tax, visas (payments are usually waived by the inviting country), etc plus a modest honorarium for the troupe.
While KALOOB is in their country, the host government / organization takes care of all surface travel, transfers, board, lodging, local educational tours, local guide/coordinator, etc.
5. At varying degrees, the Philippine Embassy in the host country receives, monitors and assists KALOOB and attends the troupe’s performances and other social functions.

– Ed Lapiz

Ano po ang ibig sabihin ng image na pinost nyo of the Statue of Liberty

Q – Ano po ang ibig sabihin ng image na pinost nyo of the Statue of Liberty
na naging Filipina at medyo naiba ang sinasabi?

A –
LADY JESUSNESS AND LADY LIBERTY
Lady Liberty was a gift of France to America after the American Revolution and eventual declaration of independence from Great Britain.
The French were the originators of modern democracy,
after the French Revolution that made France a democratic republic,
and thus welcomed America to the world of the free
while obviously inspiring more/other peoples to do the same:
to set themselves free from oppressive rulers.
Soon, the Statue of Liberty became a symbol of welcome to immigrants from Europe who were escaping persecution, poverty and repression from the old-world monarchs
and aristocrats. Their sea voyage through the Atlantic ended in New York harbor, where the Statue stood, facing the direction of Europe /the Old World.
A poem was written and phrases from it were inscribed at the base of the Statue:
“Keep, ancient lands, your storied pomp!” cries she with silent lips.
“Give me your tired, your poor,
Your huddled masses yearning to breathe free,
The wretched refuse of your teeming shore,
Send these, the homeless, tempest-tost to me,
I lift my lamp beside the golden door!”
Taking inspiration from the idea of Lady Liberty welcoming
refugees from persecution, tyranny and poverty,
Day By Day Filipinizes the Lady,
makes her a symbol of the Day By Day Jesusness Ministries,
borrows from the theme and text of the poem
but fashions the text to describe DBD’s Matthew 11.28-30 mission and work, and thus proclaims:
“Keep, Pharisaic churches, your unJesus doctrines!
Give me your spiritually tired, your poor,
your huddled masses yearning to breathe free,
the wretched refuse of your teeming religion,
your condemned and stoned,
your shamed and shunned,
your outcasts,
the refugees from your persecution.
Send these, the spiritually homeless,
tempest-tossed to me.
I lift my lamp beside the golden door.”
This message is really Matthew 11.28-30 said in a way relevant to victims of and sufferers from religious wounds, fatigue and stress inflicted by unJesus, unkind —even cruel — religious teachings and practices.

– Ed Lapiz

Ano ang ibig sabihin ng COURTESY CALL?

Ano ang ibig sabihin ng COURTESY CALL?
Ito ay
– paggalang
– pagpapasintabi
– pagpupugay
sa sinumang
– may-ari
– may pananagutan
– may kapangyarihan
sa isang bansa, region, lugar, bakuran, gusali, tanggapan o pagtitipong
– pinupuntahan
– dinadaluhan
– sinasalihan mo — lalut di ka naman talaga kabilang doon.
Bago ka
– magpakalat-kalat doon,
– makisalamuha
– maki-lugar ay
dumaraan ka muna sa nakatataas para magbigay-galang.
Kaya nga COURTESY call.
Ang di gumagawa ng ganitong marapat ay walang courtesy;
ang tawag sa kanila ay ………….

– Ed Lapiz

Ano po ang general aesthetics sa interior design ng bahay?

Q – Tito ano po ang inyong general aesthetics sa interior design ng bahay?

A –
Memories.
Childhood memories.
I want a look that recreates beautiful childhood memories.
Like I grew up in the shadow of the Bahay na Bato
so I tend to keep on coming back home to it.
The house, to me, is like the womb, the cave, the bahay of my childhood.

Q – Paano po kung unhappy ang childhood / home memory?

A – Then make your design contemporary or futuristic, to reflect / echo your aspirations? Or design something themed on what would /could have made you happy?

Ed Lapiz

Ang WAY ni Lord ang maghahari at masusunod.

Ang WAY ni Lord ang maghahari at masusunod.
And the Lord’s WAY is the way of Nature/Natural Law
na sya at wala nang iba ang nagtakda.
ESTABLISH YOUR STEPS
BY FOLLOWING THE WAY OF NATURAL LAW.

Ed Lapiz

Halloween costumes

Q – For or against po ba kayo Tito sa Holloween na may katatakutan costumes?

A – We do not like any costume or practice na pinagmumukhang horror
or kadiri o katatawanan ang “death”.
As it is, takut na takot na nga ang marami dyan, tapos ire-reinforce pa by horror-themed costumes and practices.
Hindi dapat katakutan o ipanakot ang “death”. Ang maganda ay maunawa at ipaunawa ito as taught by Ecclesiastes and by Jesus.

Ecclesiastes 12:7 (At death)
…the dust returns to the ground it came from, and the spirit returns to God who gave it.

* Ano ang horror dito?

– Ed Lapiz

Ano ang magandang sabihin sa taong humihingi sa akin ng phone number ng iba

Q – Ano po ang magandang sabihin sa taong humihingi sa akin ng phone number ng isang tao o may itinatong tungkol sa taong yun na alam nyang alam ko ang sagot pero hindi ko naman dapat ibigay sa kanya?

A – “Sorry but I’m not at liberty to give the answer to your question.”
or “Wala akong authorization na sagutin ang tanong mo.”

– Ed Lapiz

Church attendee na kontra sa teachings ng church

Q – How to deal with a church attendee na hindi naniniwala sa teachings ng church at kontra nang kontra sa mga preaching and teaching ng leadership?
A – Panggulo lang sya sa inyo. Dapat umanib na lang sya sa iba —kung saan sampalataya sya. Bakit sasali sya kung hindi naniniwala o ayaw maniwala tapos kokontra pa?

Amos 3:3 (NIV)
3 Do two walk together
unless they have agreed to do so?

– Ed Lapiz

Paano kung gusto ng isang religious group na gawing law of the land ang beliefs nila

Q – Ano po ang masasabi nyo kung gusto ng isang religious group
na ang beliefs nila ay maging law of the land ?

A – The “land” is people, many people of different religious beliefs.
Kung gusto ng isang religious group na ang beliefs nila ay maging law of the land, dapat PAYAG din sila na ang beliefs ng IBANG religious groups ay maging laws of the land DIN because the “LAND” belongs to and is about all the people.
Kaya mayrong SEPARATION OF STATE AND RELIGION.
*
Matthew 7:12 (CEV) Jesus says
12 Treat others as you want them to treat you. This is what the Law and the Prophets are all about.
*
Sa Pilipinas, mayrong FREEDOM OF RELIGION.
That freedom guarantees liberty in the personal or even corporate practice of faith WITHIN a church,
but that freedom STOPS /ENDS where the freedom of OTHERS outside of that community BEGINS.
The whole “land” could not be held hostage to any particular religion or religious dogma.

Ang mga Jews nga, for the longest time, sinarili lang nila ang laws nila. Di nila ipinilit sa iba. It took Emperor Constantine and the “Holy” Roman Empire to adopt the Jewish Scriptures as their own and impose it on the whole empire.
Kaya yung ayaw mong gawin, eh di wag mo.
Yung gusto mo, eh di gawin mo.
Pero wag mo itong ipilit sa ibang kapwa citizens.
Magkahiwalay ang State and Religion.
*
Mark 12:17 (ERV)
Then Jesus said to them, “Give to
Caesar [the State /Government]
what belongs to Caesar, and give to God what belongs to God.”

– Ed Lapiz

Wag tawaging masama ang panahon

Q – Tito bakit po kaya laging masama ang panahon?
Puro ulan at hangin?
A –
Pamangkin, wag mong tawaging masama ang panahon. Kelan naman naging bad ang tubig at hangin. Sabihan mo lang maulan, mahangin. Period. No judgment.
Eh kung magtampo sila at mawalan ka ng tubig at hangin sa buhay?

– Ed Lapiz

Basura sa waterways

Basura sa waterways!
Ang basurang itinatapon sa ilog o canal ay
– magpaparumi sa tubig.
– babara sa mga daanan ng tubig at magpapabaha.
– maglalakbay ng malayo patungo sa mga lawa at dagat kung saan
ang mga ito ay magpaparumi, masisilbing kalat at pipinsala sa
kalikasan at mga hayop at halamang naroon.
– magpapapangit sa kapaligiran.

Ilagay ang basura sa basurahan,
huwag sa mga ilog, canal, lakes and seas.

– Ed Lapiz

Major mistake sa pagkilala sa Dios

Q – Sa tagal nyo na po sa ministry, ano ang na-observe nyong major mistake ng mga tao sa pagkakilala nila sa Diyos?

A – That God’s agenda is to change people.
Yun din tuloy ang ginagawang (oppressive) agenda ng church.
What many do not realize and understand
is that God opens his heart to accept and love people!
That God’s acceptance does not require people to change first!
With unconditional love through Jesus,
God accepts people as they are, where they are.
Then “change” is a result of an active
loving relationship and interaction with God.
And one of the greatest changes
is not really having to force oneself to change
but to be able to change one’s perception
of and attitude toward himself —
to see himself, accept himself, and love himself —as God does.

Ed Lapiz

Ano ang advantage ng pagiging Christian?

Q – Ano ang best answer sa tanong na ano daw ang advantage ng pagiging Christian?

A – Salvation by grace through faith in Jesus.
(Pero maraming layers of meaning yan ha!)
I think it would be best to first clarify the meaning of “Christian”.
Kasi, over time, being “Christian” had grown to carry so much
negative historical baggage:
AS IN MARAMING-MARAMING “CHRISTIAN” BELIEFS AND PRACTICES ANG HINDI na JESUS-BASED.
Ibang-iba na ang “ChristIANITY” from JesusNESS.
Historical Christianity had had so much deviation from Jesus
and the teachings and the way of Jesus.

– Ed Lapiz

Ano ang bagay na partner sa achiever?

Q – Busy / Achiever po ako Tito.
Anong type ang bagay na partner?

A – Yung busy at achiever din.
Para hindi laging nakatunganga,
naka-abang, naka-demand sa yo.
Yung puedeng kayong magkasama pero
may kanya-kanyang pinagkaka-abalahan.
Basta lang may common time kayo exclusively para sa isat-isa.

– Ed Lapiz

Ano ang accurate Christian church history book?

Q – Tito ano po ang accurate Christian church history book?
May mga naeencounter po ksi ako na ibang sect, mukhang kapanipaniwala din po kasi ang church history nila.

A – Wala siguro. Mostly, “history” is written not to tell facts but to use impressions of / from the past to legitimize /canonize / favor the ones writing the “history”.
Ganun na ganun sa CHURCH “history”: angkinan ng past para mastrengthen ang position ng sumulat.

– Ed Lapiz

Q – Tito ano po ang accurate Christian church history book?
May mga naeencounter po ksi ako na ibang sect, mukhang kapanipaniwala din po kasi ang church history nila.

A – Wala siguro. Mostly, “history” is written not to tell facts but to use impressions of / from the past to legitimize /canonize / favor the ones writing the “history”.
Ganun na ganun sa CHURCH “history”: angkinan ng past para mastrengthen ang position ng sumulat.

– Ed Lapiz

Pabor po ba kayo sa annulment?

Q – Sang ayon po ba kayo sa annulment? Ang reason po ay Psychological Incapacitated po? Saka pwede po ba uli mag asawa after annulment?

A – Yes sang-ayon ako basta valid ang reason. Yes, sang-ayon din ako na mag-asawa sya. After all, bakit pa sya nagpa-annul!? I believe in second chances. Even third and so on

Q2 – Eh di po ba “What God has put together let no man separate?”

A2 – Eh pano mo naman natitiyak kung “put together by God” nga yung marriage kung sa simula pa lang ay mali/erroneous na?!

Q3 – Kontrang-kontra po ang relihiyoso kong family sa annulment dahil marriage daw po is panghabang-buhay?!

A3 -Annulment means WALANG TALAGANG NAGANAP NA KASALAN (for whatever reason like psychological incapacity, deception; halimbawa married na pala yung isa, o homosexual pala kaya hindi mako-consummate ang marriage, etc.) Annulment is not pagpapawalang-bisa ng kasal. Annulment = Wala naman talagang naging kasalan. Yun ang patutunayan sa hearings. At pag na-grant, ibig sabihin bogus yung “marriage”. So the aggrieved party is free to marry. NOT “again”, but for the first time kasi nga, wala namang naganap na totoong kasalan.

Ed Lapiz

Annual medical check-up, very important

Very important ang annual medical check up
para kung may sakit ay maagapan at hindi lumala.
Lalu na kung may edad na, poor ang nutrition, walang exercise, naninigarilyo o umiinom at stressful ang lifestyle. High risk yun.

– Ed Lapiz

Sino ang tinatawag na “The Lord’s Anointed”?

Q – Sino po ba ang tinatawag na “The Lord’s Anointed”?

A – Some kings and some prophets of Old Testament Israel.
Then Jesus in the New Testament.

Q – Does that title include all present-day church leaders?

A – How can that happen? Buhay na ba sila noong sinulat yung OT
and NT para masama sila sa tinutukoy?

Q – Pastor does it mean there’s no such anointed preachers as well?

A – Ang question kasi is if ALL present-day church leaders are anointed. Hindi naman siguro mawawalan ng anointed instruments of God sa lahat ng panahon, pero doubtful naman kung lahat ng leaders —basta naging leader—ay anointed na agad automatically?! You will know them by their fruits —ano ang bunga ng ministry nila sa mga tao. May mga abusado kasi sa ministry at ang armor nila against opposition ay anointed daw sila kay di dapat kalabanin o suwayin. We should test such claims against fruits of the ministry. Ang ministry ba ay nagbubunga ng tinatawag na fruit of the spirit menitoned in Galatians 5:22-23
Contemporary English Version (CEV)
22 God’s Spirit makes us loving, happy, peaceful, patient, kind, good, faithful, 23 gentle, and self-controlled.

– Ed Lapiz

Anik-anik na pampaswerte, dapat bang bumili?

Q – Marami pong mga nabibiling kung anik-anik na pampaswerte
at pampayaman daw. Bibili po kaya ako?
Totoo po kayang mabisa ang mga yun?

A – Kung talagang mabisa ang mga yan na nakakapagpayaman,
at naniniwala yung nagtitinda, BAKIT PA NYA ITITINDA
AT HINDI NA LANG NYA ANGKININ/SARILININ?
Tingnan mo kung mayaman na nga sya? Ang mga tauhan nya?
Ang mga gumawa/nag-manufacture ng mga anik-anik na yan?
Pag hindi sila ubud ng yayaman lahat, bakit mo bibilhin ang tinda nila
na sa kanila mismo ay hindi tumatalab?

– Ed Lapiz

Paano maoovercome ang masyadong magagalitin

Q – Paano ko po maoovercome ang masyadong magagalitin
at masyadong mapagmataas at mapagmataas at matampuhin.

A – Pray a lot and realize your need to be patient and humble because all of us are just recipients of God’s grace.

– Ed Lapiz

Anu ang ibig sabihin ng Matthew 18.17 at 1 Corinthians 5.11

Q – Bakit po kaya sabi sa Matthew 18.17 at sa 1 Corinthians 5.11 na ang mga dating members ng church na umalis sa di magandang paraan o itiniwalag dahil sa katiwalian at dapat ituring na unbelievers at ni hindi dapat saluhan sa pagkain?

A – Kasi maaaring ang mga ganyang tao ay
1. Maging bad influence sa mga members na nananatili sa church.
2. Patuloy na manira at maghati sa mga dati nilang ka-members. Hindi tumigil sa kadadaldal, karereklamo, pagmamalinis at pagpapa-image namabuti sa sarili at paninira sa church or church leadership para magmukha silang api o bida.
3. Magsikap maghatak ng mga iba pang members para umalis din sa pangit na paraan.
4. Magpalusot at patuloy na sikaping ma-enjoy ang benefits ng fellowship at patuloy na makinabang sa mga dating ka-member kahit sila ay umalis o pinaalis na sa church. Puede silang magpatuloy magtinda, mangutang, manghingi, mangmolestya o maghanap ng anu mang pakinabang sa dating ka-member.

– Ed Lapiz

Ang tunay na mayaman

Ang bagong-yaman, sabik pang idisplay ang yaman sa dami ng gustong belatan at paghigantihan.
Ang sanay nang mayaman, natuto nang ikubli ang yaman sa dami ng gustong makibahagi.
Ang tunay na mayaman, simple lang at tahimik na nagbibigay at tumutulong sa deserving.

– Ed Lapiz

ANG TUNAY NA MATALINO

Ang tunay na matalino (at may pag-asang lalu pang tumalino)
ay handang
– suriin ang mga naka-ugat at nauna na nyang mga akala.
– maghunus-dili / magbagong-loob / magpalit na paniniwala kung magkaron ng higit na KALIWANAGAN.
– bitawan at iwan ang mga kaisipan, katwiran at paniniwalang bagay lang sa kanyang dating maliit at murang isipan.

1 Corinthians 13:11 (CEV)
When we were children, we thought and reasoned as children do.
But when we grew up, we quit our childish ways.

– Ed Lapiz

Ang tunay na kulungan ng tao ay ang kanyang isip

Ang tunay na kulungan ng tao ay ang kanyang isip /utak.
Ang tao mismo ang gumagawa ng mga sarili nyang kulungan —sa loob ng kanyang pag-iisip.
PAG
– AYAW NYA ITO
– TAKOT SYA SA GANITO
– INAMO/PINOON NYA ANG NAKAGAWIAN
– AYAW NYANG SUMUBOK NG IBA
– NANALIG AT SUMUNOD SYA SA “ONE -AND-ONLY ONE TRUE RELIGION”
– ETC.
AY IKINUKULONG NYA ANG SARILI.

– Ed Lapiz

ANG TUNAY NA KAMPI SA TAUMBAYAN

Ang tunay na kampi sa masa/taumbayan ay hindi magugustuhan at lalung hindi susuportahan ng maraming mayayaman at malalaking pamilya at business empires.
Kaya pag maraming maraming pera para sa kampanya, pag-isipan kung sinu-sino ang talagang kauri at kakampi nya.

– Ed Lapiz

Ang tunay na kaibigan ni “Celebrity”

Ang tunay na kaibigan ni “Celebrity”
ay nagpo-protect ng privacy, peace and rest ni Celeb —
hindi ina-abuse ang access para kaladkarin si Celeb kung saan-saan o magdala ng kung sinu-sino into celeb’s private space and time para lang ipagyabang na friend sya ni or close nga sya kay Celeb.

– Ed Lapiz

Ang tunay na kahulugan ng Aswang

Walang aswang.
Ang “aswang” ay ang madilim na bahagi ng pagkatao ng bawat isa na pilit inilalayo sa sarili at ibinubunton sa iba para iba ang masisi at panagutin para sa mga sariling karumihan.
Ang aswang ang maruming imahen ng lipunan na pilit nitong itinatatwa at kunway kinamumuhian.
Ang aswang na hinahabol para puksain ay sya ring sariling aninong itinatago at pinagtataguan.
Ang takot at galit ng tao sa aswang ay takot at galit nya sa isang tago at nakakubling bahagi ng kanyang sariling katauhan.
Mas maraming aswang na inuusig ang sinuman —mas maraming kapwa-taong pinagbibintangan nya at itinuturing na aswang— mas aswang na aswang sya sa kanyang lihim ngunit syang totong buhay.
“Ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw.”
Ang relihiyosang galit na galit sa makasalanan ay malamang na nagtatago at natatakot sa gayunding kasalanan na kanyang kinikimkim, sinasarili, pinandidirihan, itinatago —-at ibinubunon sa iba. Mas kunway galit sa makasalanan, madalas ay syang tunay na makasalanan.
Ang aswang ay galit sa aswang.
Ang hindi galit sa aswang ang syang tunay na tao, tunay na hindi aswang.
Kaya si Jesus ay hindi galit sa makasalanan. Kasi nga ay hindi nya nakikita ang kanyang sarili pag tumitingin sya sa kanila.
Hindi nandidiri o nangugutya si Jesus sa mga makasalanan, kasi ay wala syang sariling kadiliman na kailangan nyang itambak at isisi sa mga ito.
Pag-ingatan ang mga aswang. Makikilala sila sa kanilang marubdob na galit sa mundo, lalu na sa mga kapwa aswang.
—-
– Ed Lapiz

Ang true seeker

Ang true seeker ay
– Nagtatanggal ng bias bago/para talagang
maghanap ng katotohanan.
– Nagbubukas ng isip at pinapapasok
ang katotohanan, maging ito man
ay salungat sa kanyang naunang akala.
– Handang matututo, kahit pa nga ang
maging bunga ng paghahanap ay
pagbabago ng isip.
– Handang magpatalo at magsuko ng
paninindigan kung sakaling ang
matagpuang liwanag ay tumupok sa
kanyang dating paniwala.

– Ed Lapiz

MAG-MATURE by changing the mind in/into growth.

Ang transformation/pagbabago
ay nasa patuloy na renewing of the mind /pagbabago ng isip.
Para lumago ang espiritu at pagkaunawa sa Maylikha,
dapat patuloy mag-aral at patuloy na mag-grow by OUTGROWing old knowledge.
Wag matakot sa BAGONG PAGKAUNAWA; dun matakot sa luma na ayaw nang lumago at magbago.

1 Corinthians 13:9-11 CEV
We don’t know everything, and our prophecies
are not complete. But what is perfect will someday appear,
and what isn’t perfect will then disappear.
When we were children, we thought and reasoned
as children do. But when we grew up, we quit our childish ways.

MAG-MATURE by changing the mind in/into growth.
Hindi dahil lang naunang mag-squat sa utak ang isang katuruan/paniniwala ay yung na nga nag pinaka-tama. (Puede rin namang pinakatama na nga, pero paraanin din sa test /katwiran / sa review.
Then choose.

The transformation/change is in the constant renewal of the mind/change of mind.

For the spirit and understanding of the Creator to grow, one must continue to study and continue to grow by OUTGROWing old knowledge.
Don’t be afraid of the NEW UNDERSTANDING; be afraid of the old that doesn’t want to grow and change.

MAG-MATURE by changing the mind in/into growth.
Just because one teaching/belief is not the first to squat in the brain, it is the one who is the most correct. (It can also be the most correct, but also the way to test /reason / review.
Then choose.

Romans 12:2 NIV
2 Do not conform to the pattern of this world, but be transformed by the renewing of your mind. Then you will be able to test and approve what God’s will is—his good, pleasing and perfect will.

– Ed Lapiz

Jesus and the “end of the age” of the Temple

Ang topic ni Jesus sa Matthew 24
ay “end of the age” of the temple, not the end of the world/ planet earth!
At sabi nya, mangyayari LAHAT yun sa lifetime ng generation na kausap nya. So, matagal nang tapos.

READ THE BIBLE:
Matthew 24 NIV
The Destruction of the Temple and Signs of the End Times
1 Jesus left the temple and was walking away when his disciples came up to him to call his attention to its buildings. 2 “Do you see all these things?” he asked. “Truly I tell you, not one stone here will be left on another; every one will be thrown down.”
3 As Jesus was sitting on the Mount of Olives, the disciples came to him privately. “Tell us,” they said, “when will this happen, and what will be the sign of your coming and of the end of the age?”

THEN JESUS PROCEEDS TO TELL THEM ABOUT ALL THE SIGNS and every suffering that will usher in the end of the temple age /culture /institution /practices.
Then Jesus says:

Matthew 24.30 “Then will appear the sign of the Son of Man in heaven. And then all the peoples of the earth[c] will mourn when they see the Son of Man coming on the clouds of heaven, with power and great glory.[d] 31 And he will send his angels with a loud trumpet call, and they will gather his elect from the four winds, from one end of the heavens to the other.

Then Jesus tells them WHEN all this would happen:

Matthew 24.34 Truly I tell you, this generation will certainly not pass away until all these things have happened.

And yes, kasali din ang event described below na nangyari na
sa panahong yun:

Matthew 24. 40 Two men will be in the field; one will be taken and the other left. 41 Two women will be grinding with a hand mill; one will be taken and the other left.

TAPOS NA.

– Ed Lapiz

Ang mga teribleng kaganapang nakasulat sa Revelation ay puro nangyari NA

Pag sinuring mabuti at inihambing sa kasaysayang naganap sa pagitan ng Roman Empire and the First Century Christians, makikitang napaka posibleng ang mga teribleng kaganapang nakasulat sa Revelation ay puro nangyari NA noong 1st Century AD.
Futuristic nang isinulat pero mabilis nangyari agad, kagyat ang realization sa panahon din nila.
In fact, si Jesus mismo ang may sabi na ang mga pino-prophecy na events ay magaganap sa lifetime ng mga kausap nya.

Matthew 16:28 (NIV)
“Truly I tell you, some who are standing here will not taste death before they see the Son of Man coming in his kingdom.”

– Ed Lapiz

Ang taong nag-iisip ay naglalakad sa landas nya

Ang taong nag-iisip ay naglakad sa landas NYA. Pag kinausap/tinanong mo ay hinahatak mo syang lumihis sa kanyang nilalandas upang samahan kang tumahak sa landas MO —sa isyu mo.
*
Bawat pagtatanong, kahit pagbati,
ay paggambala sa pag-iisip ng kapwa.
Kaya magdahan-dahan sa pagkatok sa pintong nakapinid. At kung bukas man ang pintuan at malugod kang tinatanggap, tandaan —unless true love ka nya: the shorter the visit, the more welcome.

– Ed Lapiz

Ang taong lumaki sa layaw at ginhawa

Ang taong lumaki sa layaw at ginhawa kung walang training sa hirap at pagsisikap: mahina at marupok.
Sabi ni Balagtas sa Florante at Laura:
“Ang taong magawi sa ligaya’t aliw,
iniisip pa lamang ang hilahil
na babathi’y
di na makayang dalhin…”

– Ed Lapiz

MAGBIGAY NG KAYA AT KUSANG KALOOB sa nagiging blessing

Pag ang isang tao ay
– nagpahula
– nagpa-feng shui
– kumonsulta sa psychologist / psychiatrist
– nanonood ng pay-per-view
– nagsu-subscribe sa kung anumang pinanonood
NAGBABAYAD SYA NANG WAGAS.
Pero KUNG
-pa-cousel nang pa-counsel
-pa-pray nang pa-pray
-paturo nang paturo
-pakinig nang pakinig
-panood nang panood
NA NI HINDI MAN LAMANG MAGBIGAY NG KAYA AT KUSANG KALOOB sa nagiging blessing sa kanya, ano raw yun???

Galatians 6:6 (NIV)
… the one who receives instruction in the word should share all good things with their instructor.

– Ed Lapiz