Bakit kaya ang mga tao, magkakaiba ng pinaniniwalaan at sinusundan.

Q – Bakit po kaya ang mga tao, magkakaiba ng pinaniniwalaan at sinusundan.
Na parang wala sa education, social or economic status, wala rin sa ethnicity or race ang dahilan ng pagpili nila ng paniniwalaan at ipaglalaban?

A –
Parang….genetic or mental construction /composition?
Parang may mga taong predisposed or very naturally inclined to think, believe, act and behave in certain typical ways?

– Ed Lapiz

Ang tao ay hindi laging bata

Ang tao ay hindi laging
– bata
– malakas
– malusog
– may kaya.
Huwag maging
– mayabang.
– nakakainis.
Baka kung
– tumanda
– manghina
– magkasakit
– maghirap
ay walang lumingap.

– Ed Lapiz

Sa abot ng makakaya, kumita, mag-impok at maghanda

Dahil ang tao, habang nabubuhay, ay kakain, iinom — gagasta,
dapat ay kumita
– sa pinakamaagang edad
– lagi
– hanggang kaya ng katawan.
Sa abot ng makakaya,
– kumita
– magimpok
– maghanda.
Huwag umasa sa magulang, sa anak, sa iba o sa charity.

Ang tagal-tagal nang believer daw in Jesus

Yung:
Ang tagal-tagal nang believer daw in Jesus,
tapos
3/4 under the Law pa rin at 1/4 lang under grace? 3/4 nakagapos sa Law at 1/4 lang free, tadtad pa ng guilt?
3/4 judgmental at 1/4 forgiving and loving?
Lagi pa ring nagja-judge ng kapwa at gustung-gustung magparusa sa mga “sinners” na akala mo sya ay sinless na hindi kasamang mapaparusahan by the standards of the Law na gustung-gustu nyang i-apply?!

– Ed Lapiz

Ang sumasali sa MultiLevel Marketing

Ang sumasali sa MultiLevel Marketing, dapat walang sisihan pag nag-fail ang business. Basta hindi ka pinilit or maliciously/intentionally deceived, pasensya ka kung hindi ito laging mag-deliver ng promise.
You take risks of loss while you take chances of gain.
Meron kasing mga nang-aaway, naninisi at humihingi ng refund pag bumagsak ang business. Pero noong kumikita, haping hapi at hindi naman nagbigay sa mga kasamahan. Tapos, sa huli, himihingi ng refund?
Kung ganyan ang mentality, huwag sumali sa MLM.

From a Pamangkin:Pastor maraming salamat po sa pagshare ng MLM business laking tulong po sa amin bilang mga networker salamat po sa pagshare.

– Ed Lapiz

Ang spoon at fork sa mga restaurants

Yung:
Ang spoon and fork ay ilang oras nang nakalatag sa resto table (o baka since last night pa!) para “ready” na sila.
Pero gaano karami nang
– langaw ang dumapo?
– ipis ang gumapang at dumila-dila?
– alikabok ang lumapag?
– nahawakan ng waiters o ibang customers, lalu na pag inaalis sa mesa dahil konti lang ang kakain at sobra ang setting?
– ulit nalaglag sa sahig o dumulas onto the table surface at basta na lang ibinalik sa puesto?

– Ed Lapiz

Ang sobrang takot sa sunburn

Ang sobrang takot sa sunburn,
ang life experiences ay kamukha ng kanilang kutis;
walang masyadong shades, walang blemish, walang kwento.
Makinis kasi nagtago.
(Pero kung magpapa-araw, mag-sunscreen daw.)

– Ed Lapiz

Ang sinumang nanghuhusga at umuusig sa kapwa

Ang sinumang nanghuhusga at umuusig sa kapwa
ay hindi gumagawa ng gawain ni Jesus.
Ang anu mang uri ng panghuhusga ay hindi galing kay Jesus.

John 3:17 NIV
For God did not send his Son into the world to condemn the world,
but to save the world through him.

John 12:47 NIV Jesus says:
“If anyone hears my words but does not keep them, I do not judge that person. For I did not come to judge the world, but to save the world.

– Ed Lapiz

HUWAG TUMIGIL MAG-ARAL DAHIL LANG GRADUATE KA NA!

“Ang school ay PATIKIM lang.
TINUTURUAN KA kung PAANO MAG-ARAL at BINIBIGYAN ka ng SAMPLE ng KARUNUNGAN para MASARAPAN, mag-ENJOY at MAKINABANG ka.
Pero pagkatapos nyan ay PATULOY kang MAG-AARAL ALL YOUR LIFE, not only to ACQUIRE OLD KNOWLEDGE but also to PRODUCE SOMETHING NEW.
HUWAG TUMIGIL MAG-ARAL DAHIL LANG GRADUATE KA NA!”

Ed Lapiz

ISALALAY ANG SAYA SA PRESENCE NI JESUS!

Pag ang SAYA ay isasalalay sa DAMI ng dumadalo sa gawain,
ano ang DRAMA pag hindi marami ang dumalo: LUNGKOT?
ISALALAY ANG SAYA SA PRESENCE NI JESUS!
Basta present sya, MASAYA!

Matthew 18:20 (NIV) For where two or three gather in my name, there am I with them.”

– Ed Lapiz

Ang religious leader na nagbabawal dapat hindi sundin

Ang religious leader na binabawalan kang
– makinig sa ibang teachers
– magbasa ng books written by other leaders/writers
– makinig sa /manood /magbasa ng anuman na HINDI GALING SA KANYA LAMANG o sa tropa nya
– MAGBUKAS NG IYONG MATA AT TAYNGA SA KARUNUNGAN
AY DAPAT HINDI SUNDIN.

– Ed Lapiz

Separation between Church and State

Ang pondong ipinagpapagawa ng mga public buildings, roads, bridges, facilities, etc ay galing sa gobyerno / taumbayan, at hindi sa anumang partikular na relihiyon.
As there is separation between church and state,
and the state should not favor / endorse any particular religion,
TAMA BA NA SA INAUGURATION NG MGA GANITONG PROYEKTO NG GOBYERNO AY MAY MANGUNANG RELIGIOUS PERSONALITY from one specific religion?

Ed Lapiz

ALL WHO HOPE IN THE LORD

ALL WHO HOPE IN THE LORD
Psalm 21.24
and Psychology, Literature, Neuroscience, etc.
READ SCRIPTURE THROUGH MANY LENSES; FIND MANY DISCIPLINES IN SCRIPTURE.
—–
Courage is not just physical bravery; it can also mean speaking out against injustice, for example, or taking a financial risk to follow a dream.
Courage also means choosing to act anyway though feeling afraid.
https://www.psychologytoday.com/…/the-six-attributes…
—–
“There is no living thing that is not afraid when it faces danger.
True courage is in facing danger when you are afraid.”
—L.Frank Baum, The Wonderful Wizard of Oz
—–
Neuroscience says:
When we are scared we act differently to when we are calm.
Studies have shown that a certain part of the brain is activated when we engage in courageous acts. Keeping this part of your brain well exercised is key to overcoming your fears.

The Science of Courage & Fear


—–
Scientific studies confirm what most of us have suspected all along: that those who are bold enough to go after what they want enjoy greater success and happiness
https://psycnet.apa.org/record/2012-21945-000
—–
When you repeatedly confront and face down your fears, you destroy their influence on you, and that’s how you strengthen your courage “muscle.”
http://fearlessleadersgroup.com/the-science-of-courage

Ed Lapiz

Ang pinag-isipang posts have definite purposes/messages

Ang pinag-isipang posts have definite purposes/messages. For comments to be helpful, make sure na hindi umaagaw ng pansin o nagbubukas ng ibang topic away from the original post. Resist the temptation to subtract from, add to, or modify the idea of the post with your own heaven-sent wisdom. In case of such inspirations, post the Solomonic idea on your own wall.

– Ed Lapiz

Ang paninira sa kapwa

Ang paninira sa kapwa ay mas malaking utang na hindi nababayaran kesa panghihiram ng pera. Sobrang daming goodwill ang ninanakaw/inaagaw at winawasak ng mga mahillig manira.

– Ed Lapiz

Ang pangungutang

Ang pangungutang, gawin sanang last – last:
Yung last mong inutangan, gawin mong last sa listahan ng susunod
na uutangan! Wag Last-First!

– Ed Lapiz

Ang palabas /content sa TV ay pang-akit lamang

Ang palabas /content sa TV ay pang-akit lamang;
ang tunay na pakay ay mapanood ng audience ang ADS /COMMERCIALS!
Ibinabagay ang content na pang-akit sa taste/needs ng target market ng ADS/COMMERCIALS.
Inaakit at nililibang ka ng show para lang mapanood mo ang commercials.

– Ed Lapiz

Ang pagsuot ng mask

Q – Ang pagsusuot daw po ng mask
in the presence of friends and family means kawalan ng tiwala sa isat-isa?

A – YES, kawalan yan ng tiwala —pero hindi sa isat-isa kundi SA VIRUS!
In fact, malasakit at pagmamahal sa isat-isa ang pagsusuot ng mask —
to protect them and yourself!
TIGILAN ANG MGA DRAMANG VIRUS NA YAN!
Mag-ingat to the max.

– Ed Lapiz

Ang pagpili ng iboboto ay tulad ng pagsinta

Ang pagpili ng iboboto ay tulad ng pagsinta: hindi naman talaga pinipili/napipili; kusa na lang umuusbong sa puso. Walang logic, walang katwiran—-madalas pa ay hibang at tanga. Basta lang gusto mo sya: period! Ang may pagsinta ay di napipigil kahit ng anung kontrang katwiran ng mga mapanghimasok. Ang wala namang damdamin para sa manok ng mga nangingi-alam ay di napipilit anu mang pagkumbinsi ang igiit nila. Dahil sa bulag na pag-ibig, tinatalikuran ng nagmamahal maging pamilya, kaibigan o simbahan. Kaya makatwirang wag na lang maki-alam o humadlang sa tunay na sumisinta. Hayaan syang magtangi ng itinitibok ng puso. Kanya-kanya na lang ng iibigin.
GANYAN DIN SA ELEKSYON!
Wag nang magpaki-alaman sa kanya-kanyang pintakasi/manok. Yung may ibig ay di mapipigil at ang ayaw ay di mapipilit. Magkaka-sira lang ang magpapaki-alaman. Sayang ang pinagsamahan. Sayang ang miles!
YUNG DECIDED NA, wag nang ugain dahil di na matitinag. KAHON at KAHON yan!
Ang ligawan/utuin/ paliwanagan ay yun na lang mga undecided; dun lang my pag-asang makapangahoy ng boto while maintaining world peace—- while keeping precious friendships.
At dahil yan ang katotohan, wag nang mag-stress at mang-stress sa pangangampanya: iluklok na lang ang manok sa dambana ng sariling puso… maghintay ng halalan at sa araw na yon, markahan sa balota ang kanyang ginintuang pangalan.

Ed Lapiz

Ang pag-“fulfill” ni Jesus ng Scriptures

Ang pag-“fulfill” ni Jesus ng Scriptures ay hindi ibig sabihing exactly in the same way na pag-fulfill ng mga teachers of the Law and Pharisees kasi malinaw na IBANG-IBA ang paraan ng pag-interpret ni Jesus sa Scriptures, lalu na sa pag-apply nito.
Jesus interpreted Scripture in its loving appplication.
Jesus summarized all of the Law and the Prophets into one:LOVE.
JESUS INTERPRETED AND APPLIED ALL THE COMMANDMENTS INTO ONE: LOVE.
*
SINALA NI JESUS ANG SCRIPTURES SA LOVE.
Lahat ng hindi loving ang application ay filtered, re-interpreted, modified or destroyed by Jesus!
GANITO NA DAPAT ANG PAGBASA AT PAGSUNOD SA LAW:
FILTER THROUGH JESUS.

– Ed Lapiz

Ang malaking hadlang sa PAHINGA at KAPAYAPAAN

Ang malaking hadlang/bara para makadaloy ang ganap na pag-ibig
at pagpapalang PAHINGA at KAPAYAPAAN na syang kaloob at kalooban ng Maylikha: PHARISAIC MINDSET—- ang katuruan ng Teachers of the Law and Pharisees.
That is why Jesus came to set people free from the Law.
But people, conditioned to fear God more than to accept God’s love through Jesus, have to open their hearts to—- change their minds about—- God’s LOVE.

Ed Lapiz

A temple is where the Divine and man become one

A temple is where the Divine and man/tao meet /unite /become one.
God becomes one with man in spirit and thought IN MAN’S HEART and MIND.
THE HEART-MIND IS THE SACRED TEMPLE OF GOD IN /INSIDE /WITHIN MAN.
“The Kingdom of God is within you,”
Jesus says.
= The Kingdom of God is in your
temple/mind /thought.
= GOD IS IN YOUR HEART AND MIND.
(Not in physical, man-made buildings.)
= GOD LIVES IN YOUR MIND AND
HEART —in your thoughts and feelings.
= Keep your mind/thought holy —
clean and separate from mental
pollution: from thoughts, teachings,
beliefs and feelings that are not of God,
like selfishness, anger, hatred, bigotry,
violence, fear, despair, hopelessness,
etc.

1 Corinthians 3:17 NIV
If anyone destroys God’s temple, God will destroy that person;
for God’s temple is sacred, and you together are that temple.

Ed Lapiz

Ang laging laman ng isip at salitang bunga ng dila

Ang laging laman ng isip
at salitang bunga ng dila na mga reklamo, daing, takot, atbp.
AY PRAYER!
Ang laging topic ay sya ring HINIHINGI!
Heaven hears thoughts and words.
Eh: “ASK and you will receive!”
YANG LAGING SINASABI AT INIISIP ANG SYA RING TATANGGAPIN.
Piliin at bantayan kung ano ang pinag-iiISIP at pinagsasaSABI.

– Ed Lapiz

Kelan dapat nang mag-walk out sa isang sekta?

Q – Kelan po dapat nang mag-walk out sa isang sekta?
A – Pag
– Sila na lang tama
at mali /”kulto” na lahat ang iba?
– Sobrang pag-angat sa sarili?
– Ang itinuturo ay self-righteousness
judgmentalism and excessive
religious pride?
– Nang-aalipin na sa sobrang emphasis
on “works of service”?
– Lantarang utuan na to exploit?
– OA nang huthutan ng pera ?
– Labis nang panghihimasok at
pagkontrol sa personal/private life ng
mga tao (na siempre “justified” by
santambak na [usually twisted] verses?
– Nagpopromote ng unkindness
and cruelty to “sinners”?
– Ang effect na sa tao ay ang matuwa
[pa] pag napapahamak /nagdurusa ang
mga hindi kapanalig o mga hindi nila
makontrol?
– Ang kabaliwan ng lider ay nagiging
doctrina na?
– Ang followers ay nagiging katulad na ng
ng Pharisees imbes katulad ni Jesus?
– Gumagamit ng verses to justify
unJesusness: unlove, unkindness and
cruelty?

– Ed Lapiz

Pausong imported religious/spiritual movements

Ang dami-dami nang pausong imported religious/spiritual movements ang sinundan-sundan at kinahumallingan ng mga Pilipinong Kristiano sa nakaraang 30 taon. Lahat na yata ng kung anu-anong religious at spiritual formula, style, seminar, theology, atbp.
Sari-saring mga “propeta”, “evangelists”, “healers” at hyphenated teachings na may mga “pre-” at “post-” something ang inimport, pinakinggan, dinayo at dinumog.
Pero ano ang kalagayan ng pananampalataya?
Nawala ba ang sectarianism? Divisions? Competition? Judgmentalism? Self-Righteousness?
Nakatulong ba ang nag-aalab na relihiyon sa nation-building? Character development? Good citizenship? Godly personhood? Or domestic peace in local chuches?
Suriing mabuti ang mga pinakikinggan, sinusundan, pinauuso at ipinaglalaban.

– Ed Lapiz

ALING DOCTRINES ANG PIPILIIN?

ALING DOCTRINES ANG PIPILIIN?
Pre-/Mid-/Post-Tribulation;
Baptism by sprinkling or pouring
or immersion;
Losing salvation or non-losing/eternal;
Puede or bawal ang babae sa church
preaching/leadership;
Free will or Destiny;
Speaking in tongues or No;
Puede or Bawal ang divorce;
Tapos na or nangyayari pa lang in
installments or darating pa lang ang
“end of the age”.
Lahat or iisa lang ang “inspired” Bible
version /translation;
Puede or hindi puedeng kumain
/unimon ng kung anu-ano;
Ang OT law, rules and regulations ba ay
exclusively for ancient Israelites only or
for all;
Etc., Etc., Etc.
LAHAT at BAWAT ADVOCATE ng iba-iba at magkakasalungat na teachings na ito ay may tinitindigan, pinanghahawakan, ipinag-lalaban at ipinambabatong VERSES. At halos lahat sila, sa paggigiit ng paniniwala, ay nagbabatuhan, nagsusuntukan, nagsisiraan at
nagpapatayan IN THE NAME OF “TRUTH” / GOD.
So, alin ang pipiliing paniwalaan at ituro?
Eh di yung:
1. Talagang ramdam ng puso na mabuti,
mainam at mabait! Kasi ang isip can
be corrupted by (mis)education and
conditioning.
Pero ang puso /budhi will tell you kung
alin talaga ang mabuti, mabait at
maka-Dios.
Isinulat ng Dios sa puso ng tao ang
kanyang aral at batas; hindi lang sa
yung inukit sa bato ng mga ancient
Israelites —at inedit ng wagas ng
generations of vested interest.
2. Talagang ayon sa personal conviction
na sinala sa Jesus Filter.
Note:
Mayrong “pasado” sa personal
conviction dahil lang ito ay
conditioned by tradition, pero hindi
pasado kay Jesus.
Ang ganito ay wag ipilit, kahit pa nga
ito ang legal teaching ng Religion, Inc.
3. Yung most user-friendly: yung kind,
loving, considerate, restful, peaceful,
nurturing, accepting, etc. kasi
YUN ANG MINISTRY NI JESUS.
4. Kung magkamali ka man, the better
“mistake” is on being excessively
loving kesa sa mistake on being
excessively legalistic/unloving and
cruel.
Masarap na kung mapapagalitan ka ng
Dios ay sabihin nyang : “Ikaw, sobra
at excessively loving and accepting ka!
Para kang ang anak kong si Jesus!”
imbes:
“Ikaw, sobra at excessively unloving
ka! Para kang Pharisee!”
WAG MAGTURO TO PLEASE the
legalistic, unloving, self-righteous,
judgmental, cruel modern-day
PHARISEES!
DO A JESUS.
Magturo to promote and practice
JESUSNESS, not Phariseeness!
Magturo to set people free from
punishing religious legalism and to
give people rest and care.
That’s what Jesus lived and died for.

– Ed Lapiz

ALING DOCTRINES ANG PIPILIIN?

ALING DOCTRINES ANG PIPILIIN?

Pre-/Mid-/Post-Tribulation;
Baptism by sprinkling or pouring
or immersion;
Losing salvation or non-losing/eternal;
Puede or bawal ang babae sa church
preaching/leadership;
Free will or Destiny;
Speaking in tongues or No;
Puede or Bawal ang divorce;
Tapos na or nangyayari pa lang in
installments or darating pa lang ang
“end of the age”.
Lahat or iisa lang ang “inspired” Bible
version /translation;
Puede or hindi puedeng kumain
/unimon ng kung anu-ano;
Ang OT law, rules and regulations ba ay
exclusively for ancient Israelites only or
for all;
Etc., Etc., Etc.

LAHAT at BAWAT ADVOCATE ng iba-iba at magkakasalungat na teachings na ito ay may tinitindigan, pinanghahawakan, ipinag-lalaban at ipinambabatong VERSES.

At halos lahat sila, sa paggigiit ng paniniwala, ay nagbabatuhan, nagsusuntukan, nagsisiraan at
nagpapatayan
IN THE NAME OF “TRUTH” / GOD.

So, alin ang pipiliing paniwalaan at ituro?
Eh di yung:
1. Talagang ramdam ng puso na mabuti,
mainam at mabait! Kasi ang isip can
be corrupted by (mis)education and
conditioning.
Pero ang puso /budhi will tell you kung
alin talaga ang mabuti, mabait at
maka-Dios.
Isinulat ng Dios sa puso ng tao ang
kanyang aral at batas; hindi lang sa
yung inukit sa bato ng mga ancient
Israelites —at inedit ng wagas ng
generations of vested interest.

2. Talagang ayon sa personal conviction
na sinala sa Jesus Filter.
Note:
Mayrong “pasado” sa personal
conviction dahil lang ito ay
conditioned by tradition, pero hindi
pasado kay Jesus.
Ang ganito ay wag ipilit, kahit pa nga
ito ang legal teaching ng Religion, Inc.

3. Yung most user-friendly: yung kind,
loving, considerate, restful, peaceful,
nurturing, accepting, etc. kasi
YUN ANG MINISTRY NI JESUS.

4. Kung magkamali ka man, the better
“mistake” is on being excessively
loving kesa sa mistake on being
excessively legalistic/unloving and
cruel.
Masarap na kung mapapagalitan ka ng
Dios ay sabihin nyang : “Ikaw, sobra
at excessively loving and accepting ka!
Para kang ang anak kong si Jesus!”
imbes:
“Ikaw, sobra at excessively unloving
ka! Para kang Pharisee!”

WAG MAGTURO TO PLEASE the
legalistic, unloving, self-righteous,
judgmental, cruel modern-day
PHARISEES!

DO A JESUS.
Magturo to promote and practice
JESUSNESS, not Phariseeness!
Magturo to set people free from
punishing religious legalism and to
give people rest and care.
That’s what Jesus lived and died for.

Ang daming NEGA ENERGY na lilipad-lipad sa papawirin

Ang daming NEGA ENERGY na lilipad-lipad sa papawirin, naghahanap ng kapwa, bagay at katugmang NEGANG TAO na dadapuan para mabuo at maganap ang ka-NEGAhan.
Kasi siempre, birds of the same feather flock together.
DO NOT BE THAT NEGA PERSON NA CANDIDATE DAPUAN/KUBABAWAN NG NEGA ENERGY.

1 Peter 5:8 NIV
Be alert and of sober mind. Your enemy the devil prowls around like a roaring lion looking for someone to devour.

Ed Lapiz

Dapat bawal mag-ingay sa community

ASK YOUR BARANGAY TANOD NA BAWALAN ANG MGA NAG-IINGAY sa community —lalu na yung mga nakakabulahaw at nakaka-gambala ang lakas ng ingay /radyo /karaoke / sound system /etc.
DAPAT YUNG MGA MAIINGAY ANG MAHIYA, HINDI YUNG MGA NAI-ISTORBO ANG NAHIHIYANG MAGPATAHIMIK SA MGA WALANG GALANG SA KATAHIMIKAN NG KAPWA.
Forward /Share this with all barangay officials you know —and to your barangay FB account.

Ed Lapiz

Love. Forgive. Be Free.

And Jesus, “The Word”, says:
LOVE.
FORGIVE.
BE FREE. /SET FREE.
REST.
HAVE PEACE.
WAG
– KONTRAHIN ANG “WORD”.
– IPILIT ANG “LAW” NA MAPANGHUSGA, MAPAGPARUSA AT MAPAGMATAAS.

James 1:22 NIV
Do not merely listen to the word, and so deceive yourselves. Do what it says.

Ancient Israel had Civil, Ceremonial and Moral Laws

Ancient Israel had Civil, Ceremonial and Moral Laws.
JESUS SET PEOPLE FREE FROM THE CIVIL AND CEREMONIAL LAWS that were uniquely only for the Israelites of the Old Covenant.
The Laws that remains for all time —that Jesus says will not perish —are the Universal Moral Laws of goodness and love that were true then and true even today.
Yung mga Universal Moral Laws ay lalampas sa Jesus Filter kasi Jesusness ang spirit ng mga ito. Pero most of the civil and ceremonial laws that are unJesus ay hindi na papasa sa Jesus Filter; expired na sila.
Para lang sa ancient Israel sila applicable, hindi sa lahat ng panahon, hindi sa lahat ng tao at hindi sa lahat ng sitwasyon.
SURIIN ANG MGA LAWS NA PINAGHIHIRAPANG SUNDIN.
SALAIN SA JESUS FILTER.
Baka expired na, or not applicable sa non-Israelites.

– Ed Lapiz

Anu ang atupagin sa maiksing buhay?

Q – Ano po ang marapat atupagin in this all-too-short life para sulit ang buhay?
A – Makinig kay Solomon sa Ecclesiastes; ito din ang content /essence ng teachings and ministries of Jesus.

– Ed Lapiz