Q – Ang clan po namin ay may heritage ancestral house sa probinsya. Owned pa po ng lahat ng descendants. My new private house is in the same bakuran, a portion of the lot na personal property ko na.
My problem: Dahil ako ang nakatira sa tabi ng ancestral house, ako ang naoobliga to play “host” sa mga kamag-anak namin from far and wide na dumarating para mag”bakasyon” o pumasyal sa ancestral house. Ako tuloy ang naoobligang maglinis twing bago sila dumating, mag-provide ng beddings, etc. at maglinis pagka-alis nila! (Madalas, ako pa po ang burdened na sumundo at maghatid sa airport sa mga nakatira abroad!) I’M VERY TIRED OF ALL THESE!
A – Since ancestral ang bahay, ask all your relatives to create a common maintenance fund, hire a bantay-concierge, hire sundo-hatid cars —para hindi ikaw ang maobliga. Or kanya-kanyang dating, kanya-kanyang linis at ligpit, kanya-kanyang asikaso? HINDI MO KAILAGANG MAGDUSA PARA SA BAKASYON NG MADLA, PAMANGKIN.
– Ed Lapiz
0 Comments