God always balances Creation

And God always balances Creation.
yang “Climate Change”, pang-balance lang yan — pang-correct— hindi
“end of the world”.
Kung ibig mapanatag at matahimik, tigilan ang pakikinig sa mga mahilig matakot at manakot.

– Ed Lapiz

Hirap mag maintain ng heritage ancestral house

Q – Ang clan po namin ay may heritage ancestral house sa probinsya. Owned pa po ng lahat ng descendants. My new private house is in the same bakuran, a portion of the lot na personal property ko na.
My problem: Dahil ako ang nakatira sa tabi ng ancestral house, ako ang naoobliga to play “host” sa mga kamag-anak namin from far and wide na dumarating para mag”bakasyon” o pumasyal sa ancestral house. Ako tuloy ang naoobligang maglinis twing bago sila dumating, mag-provide ng beddings, etc. at maglinis pagka-alis nila! (Madalas, ako pa po ang burdened na sumundo at maghatid sa airport sa mga nakatira abroad!) I’M VERY TIRED OF ALL THESE!

A – Since ancestral ang bahay, ask all your relatives to create a common maintenance fund, hire a bantay-concierge, hire sundo-hatid cars —para hindi ikaw ang maobliga. Or kanya-kanyang dating, kanya-kanyang linis at ligpit, kanya-kanyang asikaso? HINDI MO KAILAGANG MAGDUSA PARA SA BAKASYON NG MADLA, PAMANGKIN.

– Ed Lapiz

ALIN ang mas siguradong commands nga ng Creator?

ALIN ang mas siguradong commands nga ng Creator at hindi ng tao lang: Commands
– derived from Natural Law
– of/by Nature?
or
Commands
– derived from Religious Law?
– of/by religious persons and offices?

– Ed Lapiz

Alin ang exciting faith community?

Alin ang exciting faith community:
1. “ANO KAYA ang BAGONG maririnig natin today?”
OR
2. “SIGURADONG NARINIG NA NATIN PAULIT-ULIT ANG MARIRINIG NA NAMAN NATIN TODAY.”

– Ed Lapiz

ALIN ANG ESSENCE NG TEACHING NI JESUS?

ALIN ANG ESSENCE NG TEACHING NI JESUS?
“You are incurably sinful and will be judged/punished!”
or
“In me, you will not be judged; you are forgiven, accepted, loved.”

– Ed Lapiz

ALAMAT NG PAGKAKA-ISA SA ISANG FAMILY

ALAMAT NG PAGKAKA-ISA
Sa isang family, may tatlong magkakapatid na lahat ay papasok sa Bible School/Seminaries —pero sa iba-ibang schools na may iba-ibang Statements of Faith and Curricula.
After graduation, and even during schooling before graduation, EXPECT THEM TO BE
1. united and peaceable OR to be
2. divided and quarrelsome with one another?

– Ed Lapiz

Anak nagpakasal sa hindi member ng relihiyon

Q – Ten years na pong very active ang family namin sa church,
at leader pa po ang husband ko in the last five years.
Yung isa naming anak, nag-abroad then umibig at ngayon ay hindi maawat sa desisyong pakasal sa isang hindi namin katulad ang religion. Para pong kahit magkawatak-watak ang family namin ay gagawin pa rin nya. Paano naman po ang religious conviction naming mag-asawa na mga magulang nya? Isusumpa na lang kaya namin ang anak namin?

A – In this case, just ba parents/family to your anak? Apply your religious convictions to yourselves pero tanggapin nyo sya, ang religious conviction nya at ang desisyon nya sa pag-aasawa? Magkakawatak-watak lang naman kayo kung both sides ay magmamatigas. Pero kung isa ang magpaparaya, hindi magkakahiwa-hiwalay. Magulang nya kayo from Day One na nagkaron sya ng buhay. Kahapon lang naman kayo nagkaron ng “religious conviction” and office —nauna na kayong maging magulang/family. So, kung talagang hindi nyo sya mapasusunod sa inyong religious conviction, pairalin nyo na lang ang pagiging magulang. Patuloy na mahalin ang anak as anak, kahit hindi church member. Kesa naman mag-divide painfully ang family nyo.
Q – Pano po kung tanggalin ng church sa ministry ang husband ko?
A – Kung tatangglin nila kayo dahil pinili nyong maging magulang sa anak nyo, eh di “Hanggang dito na lamang, at maraming salamat”? Hindi naman kayo ang umaaalis kundi tatanggalin kayo. So, the ball is in their court.
Makakapaglingkod pa kayo sa Dios sa napakaraming paraan in other capacities. But how can you serve God and love your neighbor and “humanity” kung ang sarili nyong anak ay itatakwil nyo because of your religious conviction —or office?

– Ed Lapiz

A verse can be interpreted many ways

A verse can be interpreted many ways.
Do not be overly/blindly loyal to an interpretation as you might dismiss other equally sound or even more contextual and therefore more helpful interpretations.
Be especially inquisitive about interpretations na minana mo lang at hindi naman talaga nasuri o pinag-isipan o mga interpretations NINYO na maraming kaiba o kabaligtarang interpretations NILA.
MALAY NATIN KUNG SINO ANG (mas) TAMA!?

– Ed Lapiz

10 MAJOR TEACHINGS AND EVENTS THAT could HAPPEN IN A COMMUNITY YOU JOIN

10 MAJOR TEACHINGS AND EVENTS THAT could HAPPEN IN A COMMUNITY YOU JOIN
1. WELCOME!
Nangyayari sa first time o sa first few times kang umattend sa isang church.
2. LOVE LOVE LOVE
Puro love ang turo sa mga una mong pagdalo sa mga lessons.
God loves all. The Church loves all. We all love all! Ang saya-saya!
3. US! US! US!
Kasunod na mga turo: Tayo lang ang tama. Tayo lang ang makadiyos.
Minsan pa nga: Tayo lang ang ligtas!
4. THEM THEM THEM
Papunta na dito ang turo. Iba ang hindi natin members. Mali sila. Mali ang ginagamit nilang Bible. Hindi sila mga ligtas. Hindi sila tunay na anak ng Diyos. (Tayo lang, remember?)
5. JUDGE JUDGE JUDGE
Teachings now make you judgemental of outsiders —and even of fellow insiders. You begin to become critical of others. You become a Church Bully.
5. SEPARATE!
Teachings now become more bold. Kasi, kasapi ka na at judgmental ka na:
Separate from other so-called believers. Hindi sila totoo. Separate from your unbelieving family and friends. Separate from society. Dito ka lang sa sariling mundo natin. Itakwil ang lahat.
6. PRETEND
Forget your true personality. Forget your true face. Magsuot ka ng mask. Be one and uniform with everyone else. Hide your true feelings. Hide your life’s realities. You would be punished for being honest or truthful. Hindi nagagalit ang Kristiyano. Ang Kristiyano hindi na nagkakasala, hindi na worldly, wala na dapat earthly desires. Pretend you are holy or you would be condemned.
7. BAWAL!
Bawal ang ganitong hairstyle. Bawal magkaron ng GF/BF. Bawal umabsent sa ministry. Bawal magsuot nito at nyan. Bawal ang ganyang tugtog at kanta.
Bawal magparty. Bawal ito, iyan,i yun! Basta puro bawal.
8. OBEY!
Blind obedience dapat. Basta sumunod ka. Be submissive to authority kahit unreasonable o uninformed ang leader o kahit magdusa ka. (Teka, saan ba talaga galing yung authority nya? Sino ang nagbigay?)
9. DISCIPLINE!
Pag lumabag ka sa mga ordinansa, pag nagkasala, lilitisin ka ng isang banal na hukuman ng mga kapwa mo tao, ibubunyag sa lahat ang kasalan mo. Hihingi ka ng tawad sa madla, sa public event. Ipapahiya ka. Tatanggalan ka ng ministry matapos mong maglingkod ng todo. Baka nga itiwalag ka pa.
10. WELCOME!
Every week, may welcome na nagaganap sa mga bagong salta. Mga bagong tuturuan. And the whole process repeats all over again. Ang saya saya!

– Ed Lapiz

Who will change from glory to glory?

2 Corinthians 3:18 ERV
We all show the Lord’s glory,
and we are being changed to be like him.
This change in us brings more and more glory, which comes from the Lord, who is the Spirit.

WHO WILL CHANGE FROM GLORY TO GLORY:
1. THE CONSERVATIVE WHO DOES NOT CHANGE ANYTHING?
or
2. THE PROGRESSIVE WHO KEEPS CHANGING AND IMPROVING UNDERSTANDING?

Romans 12:2 NIV
Do not conform to the pattern of this world, but be transformed by the renewing of your mind. Then you will be able to test and approve what God’s will is—his good, pleasing and perfect will.

– Ed Lapiz

Open rebuke is better than secret love

Q – Tito pwede po ba magbigay kayo ng optional interpretation and application of
Proverbs 27.5 Open rebuke is better than secret love.
Sawang-sawa na po akong madinig yan being used /abused by self-righteous people every time may gusto silang i-judge o pakialaman!
Something inside me tells me very strongly na mali ang understanding and use nila of this verse kasi parang the verse becomes a license to hurt needlessly.
A –
One version, NLV, says:
“Sharp words spoken in the open are better than love that is hidden.”
In most proverbs the message is put across by presenting opposite/clashing ideas or options, and
THERE ARE TWO OPPOSITE IDEAS IN PROVERBS 27.5:
1. THE DESIRABLE, which is love /being loved
and
2. THE UNDESIRABLE which is being rebuked, especially openly/publicly. (The pain of this experience is never “desirable”.)
The verse could be poetically saying this idea:
• While love is desirable, IF it is only in secret and unexpressed,
then something undesirable —like being rebuked openly—
could be considered as better.
Puede ring tingnan yung ideas here, not as opposites, but as alike.
For example, parehong masakit:
Masakit ma-open rebuke pero
mas masakit maibig ng palihim lang.
=
Mas mabuti pa ma-open rebuke
kesa ma-secret love.
Of course, arte lang to. Hindi talaga mean.
In other words,
• Being loved is desirable; being openly rebuked is not desirable.
But receiving something undesirable like an open rebuke could be considered better than being the object of a secret love (which one would rather like to be the one OPEN, instead of the rebuke!)
Katulad ng paghahambing ng dalawang parehong sorrow, like
Mabuting pang mamatay (undesirable)
kesa mabuhay ng wala ka (mas undesirable.)
=
Mas mabuti pang ma-rebuke openly kesa mamahal ng lihim lamang.
Puede ring ironic way or presenting the message which is:
Dapar yung love ang open at yung rebuke ang secret (private)
The core idea could actually be :
LOVE, instead of rebuke, SHOULD BE EXPRESSED OPENLY.
In an exaggerated way, this proverb says
Mas mabuti pang tumanggap ng masakit na open rebuke kesa tumanggap ng secret love.
Ang tunay na message:
GAWING OPEN ANG SECRET LOVE
at
GAWING SECRET ANG OPEN REBUKE.
The verse should not be read as a license for self-appointed critics and judges to openly / callously rebuke anyone and everyone.
Why do we think that the verse is better interpreted this way?
Kasi ang Proverbs ay collection of WISDOM.
And by the painful, harsh and divisive fruits of indiscriminate open rebuke, it is obvious that the usual interpretation is NOT wise.
THE ORIGINAL INTENT OF THE VERSE COULD not HAVE BEEN TO WEAPONIZE THE TONGUES OF THE JUDGMENTAL
AND PAKI-ALAMERA/O the way it happens when Proverbs 27.5 is
Interpreted as a license to openly, publicly and painfully rebuke anyone and everyone.
Also, kung gusting i-interpret along the usual way, puede rin naman but only if the two main ideas in the verse are noted: REBUKE and LOVE.
So why not read as:
MAKE YOUR LOVE OPEN and YOUR REBUKE SECRET.
Or
REBUKE IN A LOVING WAY.
Or
REBUKE OUT OF LOVE; rebuke only those you truly love kasi kung di mo love, magiging harsh ka lang.
Or
Rebuke because you love, so your rebuke would be done in a loving way.
WHY do we think the verse should be read in this more loving way?
Because Proverbs is a collection of wisdom. mas faithful to the intent of Proverbs ang wise, kind, loving, diplomatic, conciliatory interpretation than a self-righteous, abusive one.

Recommended books sa pagbabasa ng Bible

Q – Ano po ang top 7 recommended ninyo
na unahing basahin at pahalagahan sa mga books in the Bible?

A – Mark, Matthew, Luke, John, Galatians
Ecclesiastes, Proverbs.

– Ed Lapiz

Iba’t ibang interpretations of the same bible, alin ang susundin?

Q – Sa mga iba-iba pong interpretations and beliefs based on the same Bible that each/ every believer insists to be THE truth, all of the choices beeing based on Scripture pero magkakaiba ang application, ALIN po ang paniniwalaan ko at isasabuhay?

A – Every interpretation being equally “biblical”,
eh di dun ka na sa mas nakakapag
– palaya.
– pahinga.
– payapa.
– pasaya.
– pabuti / pabait.
Wag na dun sa nakakapag
– pabagsik / pasungit/ palupit.
– pa-self righteous.
– judgmental.
– pa-divide.
– patakot.
– pa-away!

– Ed Lapiz

Ano po ang simple rule sa pag-beso?

Q – Ano po ang simple rule sa pag-beso?
Sino ang dapat manguna?

A – TO SIMPLIFY:
Ang beso ay regalo ng senior sa junior,
ng strong sa weak,
ng “superior” to the “inferior” (derechanan na!)
kaya wag baligtarin.
Wag pangahas lalu kung hindi tiyak sa lugar in the universe.

– Ed Lapiz

Ano po ang signs na hindi dapat aniban ang isang religious group?

Q – Ano po ang signs na hindi dapat aniban ang isang religious group?
Q –
1. Nagtuturong sila lang ang kaisa-isang tama at totoo?
2. Gumagamit ng dahas para ipromote ang turo o daigin ang kalaban?
3. Kokontrolin ka/ ang buhay mo?
4. Inaabuso ang members?
5. Puro pera!?
6. Puro bawal at pang-uusig?
7. Puro pananakot tungkol sa future?

– Ed Lapiz

Mahalagang katangian sa pagpili ng mapapangasawa?

Q – Ano po ang pinakamahalagang katangian sa pagpili ng mapapangasawa?
A – Ugali.
Q – Hindi po faith/ religion?
A – Important yun. Pero may mabait at walanghiya sa lahat ng / kahit anong religion!
Hindi komo katulad mo ng faith, ok at mabait na.

– Ed Lapiz

Ano ang nakaka-impress na bahagi ng magandang bahay?

Q – Sa inyo po na obviously ay may impeccable taste, ano ang nakaka-impress na bahagi ng magandang bahay?

A – Ang staff quarters: kwarto ni Yaya at ni Driver.
Pag maganda at comfortable yun — hanga talaga ang Tito sa maybahay!
Common na ang impressive sala or dining room or lanai, etc.
Wa-epek na yun sa Tito.
Pero yung maayos na kwarto ng staff….WOW!

– Ed Lapiz

Ano po ang most important qualification ng writer?

Q – Tito ano po ang most important qualification ng writer?
Grammar po ba?

A – Yung may saysay kang isasaysay.
May makabuluhan kang sasabihin.
Grammar, tool lang yan sa pagsasabi;
ang mahalaga may sasabihin ka.

– Ed Lapiz

Ano po ang memorable wedding reception na nakita nyo?

Q – Ano po ang memorable wedding reception na nakita nyo?

A – Way back in the early ’80’s, my churchmate-friends planned their wedding pero yung pera nila na ipinautang ay hindi nabayaran on time. Wala silang pera pang-reception. Parang di muna matutuloy ang kasal. So I suggested na gawing church POTLUCK and reception, and I volunteered to manage the exciting project. Pumayag ang couple.
So I met and coordinated with everyone. Super glad ang lahat na mag potluck kasi masisipag at mababait na church workers ang ikakasal. Love sila ng lahat. Super organized ng nangyaring reception. Ang daming handa, sobra-sobra pa. It was GREAT FUN. Up to now, it’s one of the best wedding receptions I had seen. Walang nagpasikat. Walang na-stress. Everybody helped —and ENJOYED!

– Ed Lapiz

Ano po ang ibig sabihin ni Hesus sa Mateo 16:24-25

Q – Ang sabi po ng panginoong Jesus ay magaan ang kanyang pamatok at madaling dalhin. Ano po kaya ang ibig niyang sabihin sa Mateo 16:24-25 “Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin. “Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito.”

A – Good question. Pero layers upon layers ang paliwanag. Parang sapin-sapin. Mahabang usapin. Mahirap pagkasyahin dito. Simplify: Pag hindi restful and peaceful ang method or fruit, hindi kay Jesus.
Or lihis ang interpretation and application.

– Ed Lapiz

MagpPM para lang mamasko

Q – Ano pong masasabi ninyo sa mga nagpPM pa para lang mamasko ang mga magulang ng inaanak ko.. Yung kahit malayo ka na eh itatanong pa din kung san ka pwedeng puntahan..

A – BLOCK!?!

– Ed Lapiz

Marriage proposal

Q – Ano po ang masasabi nyo about yung pag propose sa girl in front of so many people?
Yung parang stage production?

A –
Kung gusto nila eh di bahala sila. 🙂 Kanya kanyang trip.
But personally, sa akin lang, ang ganda, ang sacred, ang dignified nung kayo lang dalawa ang present / aware.
Like you do it for an audience of one: your beloved.

– Ed Lapiz

Divisive factors or forces in Philippine social and national life

Q – Tito anu-ano po ang major divisive factors or forces in Philippine social and national life?
A –
1. RELIGIONS
2. Politics
3. Economy. Unequal distribution of national wealth.
Ang yaman-yaman-yaman ng mga dambulahang korporasyon tapos ang liit-liit-liit magpa-sahod!

– Ed Lapiz

Ano po ang major challenge sa pagminister nyo Tito sa mga nagtatanong dito sa FB?

Q – Ano po ang major challenge sa pagminister nyo Tito sa mga nagtatanong dito sa FB?

A – Para kang doktor na may pasyenteng ginagamot, tapos ang daming nanonood. Iba-iba ang pananaw nila kung paano dapat gamutin ang pasyente. Iba-iba nag diagnosis at reseta. May mga sang-ayon, may mga hindi, may gustong ang gamot at style nila ang gamitin, may nag-iisip na mali tayo dahil iba ang Rx nila at siempre, sila ang tama.

– Ed Lapiz

Ano po ang magandang tulong na maibibigay ng church sa fulltime workers?

Q – Ano po ang magandang tulong na maibibigay ng church sa fulltime workers? Kasi po hindi naman talaga nakakapagpa sweldo ng malaki ang church?
A –
Yung “fulltime” workers, pag-reportin sa church ng at most three full days every week lang. Ibigay ang natirang four days of the week na free time nila para MAKAGAWA SILA NG IBANG INCOME-PRODUCING ACTIVITIES. That way, yung “maliit” na sweldo nila from the church at madadagdagan nila ng kita mula sa ibat-iba at kani-kanya nilang productive work. HINDI NAMAN TALAGA KAILANGANG TUMUNGANGA SA LOOB NG CHURCH ang workers seven days a week. Most of the flock we serve ay busy din sa kani-kanilang hanap-buhay at gawaing-bahay. There is no one to “serve” many hours of the day. Kailangan lang wise time management para magawa ang lahat ng church work — at marami pang matirang oras for income-enhancing projects.

– Ed Lapiz

Ano po ang magandang travel destination?

Q – Ano po ang magandang travel destination?

A – Yung:
1. Gusto mo.
2. Afford mo.
3. Hindi naman malalagay sa obvious danger ang life, limb and property mo.
Yung hindi sobrang laki ng chance na ikaw ay mahulog, malunod, masunog, ma-trap, ma-stranded, matuklaw o makain ng wild animals, maging victim ng crime or violence, malason, ma-infect ng grabeng sakit, magkasakit tapos walang ospital, atbp.

– Ed Lapiz

Ano po ang magandang regalo sa may sakit?

Q – Ano po ang magandang regalo sa may sakit?

A – PERA! SALAPI! KWARTA! DATUNG! sa 99% ng 110 Milyong Pilipino.
Kung alam mo at sure kang maiibigan ang kung anu man (na hindi cash), eh di yun ang dalhin.

– Ed Lapiz

Ano po ang magandang reaction sa mga tao who claim to be your relatives?

Q – Ano po ang magandang reaction sa mga tao who claim to be your relatives or friends para makinabang sa goodwill ninyo?

A – Give them only what they have personally earned— what their personal merits deserve.
Huwag ipa-ani sa kanila ang bunga ng tanim ng iba.
Huwag mag-extend ng courtesies sa mga tao who name-drop their relatives or friends. Ni hindi mo nga alam kung in good standing ba sila sa relative or friend nila whose goodwill they want to exploit.

– Ed Lapiz

Ano po ang magandang gawin para maiba naman ang darating na kasalan namin ni partner?

Q – Ano po ang magandang gawin para maiba naman
ang darating na kasalan namin ni partner?
A –
1. Wala na lang nung uso/ asak nang prenup video / photo ek ek? Iba naman?
2. Ibalik ang invite sa old fashioned style, hindi yung kung anik-anik na jeepney-art style?
3. Tama na yung 2-candles-into-one style. Same with 2 bottles of water, 2 jars of sand, etc? Ibang symbols naman?
4. Tama na yung “you may kiss the bride” drama, lalu na kung nakapag-sex na nga way before!
5. Huwag paghintayin ang guests sa reception. Kainan agad then program.
6. Tama na yung mga pics ng ikinasal sa mga gubat, bangin, ilog, o Luneta? Iba naman visual presentations?
7. Huwag diktahan ang guests kung ano ang isusuot?

– Ed Lapiz

Ano po ang magandang gawin KUNG WALANG MAGAWA?

Q – Ano po ang magandang gawin
KUNG WALANG MAGAWA? Kung bored /inip?
A –
Do something good to/for your
– body: rest, exercise, eat healthfully, etc.
– mind: rest from worry
or learn something new, etc.
– emotion: stop mga drama, get rid of anger
or jealousy or fear or anything nega.
– spirit: love.
HINDI ka mauubusan ng good and doable na magagawa.

– Ed Lapiz

Ano po ang magandang gawin kung ako ay naloko? Na-peke?

Q – Ano po ang magandang gawin kung ako ay naloko? Na-peke?

A – Learn from the experience.
Be wise / wiser next time.
Be a better, not a bitter, person.
Consider the time / treasure / etc you lost as TUITION FEE
for learning.
Mahal pero sulit! kung natuto ka.

– Ed Lapiz

Ano ang magandang screen/filter/salaan na gamitin sa mga kumakatok door-to-door na mga “missionaries”?

Q – Ano po ang magandang screen/filter/salaan na gamitin sa mga kumakatok door-to-door na mga “missionaries” na lahat ay claiming na sugo ng Diyos?

A – ASK kung ang dala nila ay
1. JESUSNESS /GRACE /LOVE /FORGIVENESS /FREEDOM /Rest from Religiosity / Unity with all God believers, no matter the denominations /sects
OR
2. MOSESNESS /PHARISEENESS/ THE LAW / JUDGMENT / Condemnation sa mga hindi nila kauri, /CONTROL / MORE religious work and “service” / SEPARATION FROM OTHER GOD-BELIEVERS na hindi ka-sekta?

THEN YOU DECIDE KUNG GUSTO AT KAILANGAN MO ANG KATURUAN NILA.
Note: Wag pabolaching sa paikut-ikut na salita na ang ang tunay na ending pa rin ay LAW, JUDGMENT, WORK, DIVISION-SEPARATION FROM ALL OTHERS, etc.

– Ed Lapiz

Ano po ang magandang business?

Q – Ano po ang magandang business?

A – Yung
– gusto at enjoy mo.
– alam mong paandarin.
– kaya mong patakbuhin mag-isa o kung kahit absent ang mga key workers.

– Ed Lapiz